Kwentong OFW

Menu
  • HOME
  • STORIES
  • OFW NEWS
  • WORLD NEWS
  • PHILIPPINES NEWS
  • JOBS
  • TIPS

KwentongOFW - The Place Where OFWs United.

Follow us on Facebook

Pinoy sa Kuwait Tumalon Mula sa Ika-Walong Palapag Ng Kanyang Tinitirhan

Spread the love
     

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang natagpuang wala nang buhay matapos tumalon mula sa ika-walong palapag ng tinitirhang bahay sa Farwaniya, Kuwait. Pinaniniwalaang nakaranas ito ng labis na lungkot matapos magkaroon ng sintomas ng COVID-19.

Si Elmer Chen Biag ay nagtrabaho bilang food company crew sa loob ng sampung taon. Ayon sa ulat ni Bombo International Correspondent Oliver Diong, tinuturing na depresyon ang rason kung bakit nagpakamatay ang biktima.

Imahe mula sa Facebook

Sinasabing may tinulungan daw si Biag na kapwa OFW na dinala niya sa ospital. Kalaunan ito pala ay positibo sa COVID-19.

Makalipas ang dalawa o tatlong araw ay nakaranas na din umano ng sintomas si Biag ng COVID-19. Bago dinala sa ospital ay nakatawag pa daw ito sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Ang sabi pa ni Diong, maari ding problema sa trabaho ang naging sanhi ng pagpapakamatay ng OFW dahil dalawa o tatlong buwan na daw itong walang sahod simula nung pumutok ang problema sa COVID-19. Si Biag ay may dalawang anak at asawa na umaasa sa kanya sa Pilipinas.

Si Biag ay isang aktibong community leader sa Kuwait at magaling itong magbigay ng payo sa kanyang mga kapwa Pinoy.

Imahe mula sa Youtube

Sa katunayan siya pa ang gumanap bilang Dr.Jose Rizal noong pinagdiriwang ang Araw ng kalayaan sa bansang Kuwait taong 2016.Panoorin ang kanyang video .

Ang resulta ng test na isinagawa kay Biag ay kasalukuyang hinihintay pa lamang. Ayon sa protocol na sinusunod sa Kuwait, ang mga namatay na positibo sa COVID-19 ay hindi maaaring i-travel pabalik sa pinanggalingang bansa.

Ang Filipino Community sa Kuwait ay nagdadasal na sana ay negatibo ang resulta ng COVID-19 test kay Biag para sakali ay maiuwi ang kanyang mga labi sa Pilipinas at makapiling siya ng kanyang mga mahal sa buhay sa huling sandali.

Ang kanyang mga kaibigan ay lubos na nagdadalamhati at nagulat sa nangyari sa kanya. Nasa baba ang kanilang mga mensahe.

Para sa mga kabayan, kailangan lang po na maging matatag tayo lalo na po sa panahon ngayon, lagi pong magdasal at subukang makipag usap sa mga kakilala para maiwasan ang depression.

Mula sa  Bombo Radyo Ilo Ilo

 

 

 


Spread the love
     
 
      
Share
Tweet
Google+
Prev Article
Next Article

Related Articles

Spread the love3.8K    3.8KSharesBecause of too much depression, an Overseas Filipino …

Pinay Domestic Helper Tries To End Her Life By Drinking Bleach, Rescued By Authorities!

Spread the love1.7K    1.7KSharesGretchen Barretto felt totally happy when she saw …

Gretchen Barretto Cries After Seeing An OFW in Australia

Spread the love     Riyadh, Jun 5, 2020, SPA — An official …

Jeddah Saudi Arabia New Curfew Timing Starting Today June 6,2020

Spread the love     Annaliza Datiles Carpacio was found guilty beyond reasonable …

Fellow Filipina Lures 4 Other Filipinas To Work Abroad Only To Become Prostitutes

WATCH : Pinay missing in California for a week
Spread the love     Police in Daly City, California are asking the …

WATCH : Pinay missing in California for a week

Spread the love178    178SharesIn a series of tweets, a Filipina-American woman …

Fil-Am Woman Abused In Front Of The Crowd Who Left Her All Alone

Tags:Despression Elmer Chen Biag kuwait OFW OFW in Kuwait OFW NEWS

Share Your Comments

Comments

3 Comments

  1. Evelyn

    REST IN PEACE AT CONDOLENCE SA PAMILYA ?????

    May 28, 2020
  2. Jenny sesgundo

    Kahit ako minsan nakakaisip na din ng hindi maganda, dahil sa problema at depression.. minsan naiisip ko na ding magpakamatay.. pero awa ng diyos nalalabanan ko naman lahat… iniisip ko na lang ang mga naiwan ko sa pinas, yung mga anak ko. paano na lang kong wala na ako, sino mag suporta sa kanila lalo na’t single parent ako.. at wala naman ako maasahan sa tatay ng mga anak ko… kaya hanggang ngayon eto ako patuloy na lumalaban,bumabangon sa lahat ng pag subok… alam ko hindi solusyon ang pag papakamatay para lang matapos ang problema.. lahat ng pasakit ay may kapalit,
    Kaya pinapanalangin ko na sana matapos na ang epidimya sa buong bansa…

    Laban lang tayo mga ka OFW…
    Kaya naten yan wag papadala sa depression o stress wala tayong mapala kong sayangin lang natin ang buhay…

    May 30, 2020
  3. Grace Moore

    YOU MAY REST IN PEACE KABAYAN
    AND CONDOLENCES SA FAMILY
    I PRAY NA SANA MAKAUWI KANA SA ATIN, PARA MAKAPILING MO ANG BUONG PAMILYA MO AT NANG MAKITA KA AT MAKAPILING SA HULING SANDALI…..

    May 31, 2020

Leave a Reply

Cancel reply

Follow @Kwentong_OFW
DMCA.com Protection Status

Kwentong OFW

IMPORTANT LINKS

  • SUBMIT YOUR STORY
  • ABOUT US
  • PRIVACY POLICY
  • DISCLAIMER
  • CONTACT US

CATEGORIES

  • balitang OFW (1,507)
  • Exchange Rate (57)
  • kwentong OFW (1,417)
  • OFW JOBS (96)
  • OFW TIPS (268)
  • PINAS NEWS (308)
  • tulang OFW (21)
  • WORLD NEWS (338)

Most Popular -Day

    Most Popular – Week

    • Police Raid Prost!tution Dens Managed By Asian.
    • Hong Kong Minimum Wage for FDHs Goes Up to $4,990 Per Month.

    Most Popular – Month

    • Police Raid Prost!tution Dens Managed By Asian.
    • Hong Kong Minimum Wage for FDHs Goes Up to $4,990 Per Month.
    Copyright © 2025 Kwentong OFW
    All Rights Reserved KwentongOFW