Kwentong OFW

Menu
  • HOME
  • STORIES
  • OFW NEWS
  • WORLD NEWS
  • PHILIPPINES NEWS
  • JOBS
  • TIPS

KwentongOFW - The Place Where OFWs United.

Follow us on Facebook

P5.043 Bilyon Ng DOLE-AKAP Ang Naipamahagi Sa 497,122 OFW

Spread the love
     

Umabot na sa mahigit kalahating milyong overseas Filipino worker (OFW) na nawalan ng trabaho dahil sa pandemyang Covid-19 ang napauwi na ng pamahalaan, pahayag ng labor department nitong Linggo.

Sa ulat kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration head Hans Leo Cacdac na 502,581 OFW ang ligtas na naiuwi sa kani-kanilang probinsiya matapos sumailalim ng Covid tests at quarantine protocols sa iba’t ibang hotel.

Binubuo ng 1,471 OFW ang huling batch na nakauwi sa kani-kanilang tahanan nitong Sabado de Gloria.

Sa hiwalay na ulat ng DOLE-International Labor Affairs Bureau (ILAB), may 645,071 OFW ang naapektuhan ng pandemya at 627,576 sa mga ito ang nawalan ng trabaho. Ayon kay ILAB Director Alice Visperas, 49,698 na OFW na nawalan ng trabaho ang humiling na makauwi ng bansa samantalang 75,297 ang piniling manatili sa kani-kanilang lugar.

Batay sa record ng ILAB, tumaas ang bilang ng OFW na nahawahan ng sakit. Nitong Abril 4, nagtala ito ng 17,495 kompirmadong kaso ng Covid ng mga OFW batay sa ulat  ng 40 Philippine Overseas Labor Offices mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa nasabing bilang, 10,155 ang gumaling, samatalang 938 naman ang nasawi.

Sinabi ni Bello na patuloy ang pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa mga nawalan at apektadong OFW.

“Hindi tatalikuran ng pamahalaan ang pangako nito na bibigyan ng kinakailangang tulong ang ating mga OFW. Patuloy natin silang tutulungan hangga’t kakailanganin nila,” wika ni Bello.

Sa ngayon, umabot na sa P5.043 bilyon ng DOLE-AKAP ang naipamahagi sa 497,122 OFW, aniya.

Ang AKAP ay isang beses na tulong pinansiyal na $200 o P10,000 bawat  kwalipikadong apektado o nawalan ng trabahong OFW.

Maliban sa AKAP, nagbigay din ng tulong-pinansiyal, pagkain at medikal ang DOLE sa mga OFW na nagkasakit ng COVID. Sa ngayon, umabot na sa kabuuang $1.93 milyon tulong-pinansiyal ang naibigay sa mga OFW na may COVID, at $2.6 milyon naman ang naipamahagi para sa pangangailangang medikal at pagkain ng 124,945 OFWs. Via DOLE 


Spread the love
     
 
      
Share
Tweet
Google+
Prev Article
Next Article

Related Articles

Spread the love     The Philippine Consulate General in Vancouver hosted a …

Pinay caregivers in Canada learn financial literacy

Spread the love2.5K    2.5KSharesFilipinos, especially husbands, choose to work abroad to …

Few Of The Many Reasons Why A Wife Wants To Be With Her OFW Husband

Spread the love1.1K    1.1KSharesThe State Highway Patrol in Los Angeles, California …

BREAKING NEWS : Young Filipina Teacher In California Dies After A Tragic Road Accident

Spread the love35.2K    35.2KSharesWith the tension currently happening in the Middle …

Department of Foreign Affairs Gets Prepared to Evacuate OFWs as Tension in the Middle East Continuously Arises

Spread the love     Who said that you can only get P200,000 …

Fruits Picking in Australia Allows You To Earn More Than P200k Per Month – Read The Story of Mariel Larsen

Spread the love116    116SharesFor OFWs, having a vacation after a finished …

Look:  OFW From Hong Kong Who Are On Vacation Was Maltreated by Her Live-In Partner

Tags:Abroad Balitang ofw DOLE-AKAP OFW OFW NEWS

Share Your Comments

Comments

Leave a Reply

Cancel reply

Follow @Kwentong_OFW
DMCA.com Protection Status

Kwentong OFW

IMPORTANT LINKS

  • SUBMIT YOUR STORY
  • ABOUT US
  • PRIVACY POLICY
  • DISCLAIMER
  • CONTACT US

CATEGORIES

  • balitang OFW (1,507)
  • Exchange Rate (57)
  • kwentong OFW (1,417)
  • OFW JOBS (96)
  • OFW TIPS (268)
  • PINAS NEWS (308)
  • tulang OFW (21)
  • WORLD NEWS (338)

Most Popular -Day

    Most Popular – Week

    • Police Raid Prost!tution Dens Managed By Asian.
    • Hong Kong Minimum Wage for FDHs Goes Up to $4,990 Per Month.

    Most Popular – Month

    • Police Raid Prost!tution Dens Managed By Asian.
    • Hong Kong Minimum Wage for FDHs Goes Up to $4,990 Per Month.
    Copyright © 2025 Kwentong OFW
    All Rights Reserved KwentongOFW