Para sa mga Temporary Foreign Worker Applicants dito sa Canada. Please be careful po sa pagtanggap ninyo ng job offer dito.
Ang temporary foreign workers ay iba sa Live-in caregiver program. Kaya maraming nagtitiyaga na maging nanny dito sa Canada ay dahil na rin sa kasiguraduhan na makakapag-apply ng residency after 2 years in the program. Ang mga TFW, hindi kaagad makakapag-apply ng residency. Nakadepende sa inyong employers kung kayo ay iri-renew at kung kayo ay susuportahan sa pag-apply ng permanent residency.
May mga nakilala akong temporary foreign workers na napauwi at may mga Immigration problems ngayon. Sila iyong nagtatrabaho sa food chains like Mcdo, A & W, Subway at iyong mga hindi skilled jobs. Meaning, kapag natapos na ang kanilang contract, nakadepende ang kanilang work permit renewal sa kanilang employers. Kung hindi nagustuhan ng employers ang iyong trabaho, hindi na iri-renew ang contract mo. Or kahit gusto pa nilang i-renew ang iyong application kung hindi in-approve ng Immigration, mapapauwi pa rin ang worker.
Naging mahigpit ang pagtanggap ng TFW nitong mga nakaraang taon pero marami pa rin ang nakakapag-hire. Ang kawawa, iyong mga pumupunta rito na nagbabakasakaling magiging residente rin sila pero ang totoo, mapapauwi lang din pala.
Yung unang kakilala ko, nagtatrabaho na sa isang hotel sa Singapore. Nagkaroon ng pag-asang makapunta ng Canada. Ang sahod niya sa dalawang bansa ay halos magkapareho lang pero pinili niyang pumunta rito dahil noon ay madali pang maging permanent resident (PR). Naabutan siya ng pagbabago ng sistema ng Canada kaya napauwi siya dahil hindi na narenew ang kanyang contract. 2 years lang siya rito.
Ang bagong sistema ng Canada kasi, iyong iha-hire muna ang mga Canadians at residents bago maghire sa labas ng Canada. Pero nakalulusot ang ibang companies kasi kahit maghire sila ng non-Canadians, makakamura pa rin sila dahil ang mga TFW ay willing tumanggap ng minimum pay. Ang mga naririto na, ayaw tumanggap ng minimum salary.
Iyong pangalawang kakilala ko, may kapatid na rito na tumulong sa kanya. Nahanapan siya ng work sa isa ring food chain. Pero tatlong taon na siya rito, hindi pa rin siya makapag-apply bilang residente at sa kasalukuyan, expire na ang kanyang work permit. Kahit may kapatid siyang citizen na rito, hindi rin siya natulungan.
Walang masamang mangarap na makarating ng Canada pero dapat alamin ninyo kung tamang desisyon ba ang pagpunta rito. Halimbawa, kadalasan sa mga tinatanggap sa food chains dito ay may managerial experience sa Pilipinas o may hotel experience sa ibang bansa. Pero pagdating dito, minimum salary lang ang tatanggapin.
Halimbawa, nagtatrabaho ka 8hrs/day, tapos ang sahod mo ay $11-$13/hr lang.
Ganito ang sample computation niyan. Sa isang linggo, 40 – 44hours ka magtatrabaho.
$1900-$2200 -monthly salary (x 37 or 38 sa pesos)
Ito ang mga estimate na mababawas sa iyong tatanggapin buwan buwan
$500 – federal and provincial taxes, employment insurance, Canada pension plan (more income, more taxes)
$500 – $700 – room rental (depende ito kung saang province ka at kung sagot ng employer ang iyong accommodation)
$100 – monthly fare (depende ito kung ikaw ay babiyahe pa papunta sa work or walking distance lang)
$50 – $ 80 – cellphone bill – depende kung may internet ang phone mo..At depende kung marunong ka mag-control ng iyong internet
$200-$300 – ito ang magagastos mo sa pagkain. (pero kung matipid ka at nagluluto ka mismo ng pagkain mo, puwede nang $150/month ang i-budget mo.
70 – Medical service plan (dito iyan sa BC. Ewan ko lang sa ibang parts ng Canada)
$70 – $100 – internet/TV (depende kung may ka-share ka)
$$ – hyro/electricity bill (depende sa dami gamit mo)
Ia-apply pa ang tax sa halos lahat ng bibilhin mo. Ang hindi mo lang babayaran ay mga grocery items tulad ng gulay, karne, itlog. Anything processed, babayaran mo ng tax. 5% – 12% ang taxes dito.
Ngayon kung ikaw ay pupunta rito ng Canada pero hindi naman sigurado ang iyong pag-apply ng residency, kailangan mong pag-isipan maigi ang iyong desisyon.
Kung ikaw ay may mataas na position sa iyong pinapasukan at nagkaroon ka ng TFW job offer dito, worth ba na iwanan ang iyong trabaho ngayong alam mong wala kang tsansa na mananatili ng Canada?
Sugal ang pagiging TFW. Kung noon, madali ang maging residente, ngayon ay pahirapan na.
Kung gusto mo pa ring ituloy ang iyong pagpunta rito, aralin mo ang tamang paggastos at itanong mo sa iyong employer ang mga sumusunod:
1. Kapag nakapunta ka ba, ano ang iyong tsansa na ikaw ay susuportahan niya kapag nag-apply ka ng residency? Or ano ang tsansa mo na iri-renew niya ang contract mo?
2. Gaano kalayo ang iyong trabaho sa iyong accommodation?
3. Libre ba ang accommodation mo?
4. Sino ang magbabayad ng iyong electric/hydro bill?
5. Free internet ba ang iyong accommodation?
6. Sino ang magbabayad ng iyong health care premium? May employers na sasagutin ito. Mayroon naman na ikaw ang pagbabayarin.
7. Libre ba ang pamasahe mo kapag uuwi ka ng Pilipinas? Ang pamasahe nasa $900 – $2000 balikan depende kung saang parte ka ng Canada at kung peak season o hindi.
Kung malaki ang binayad mo sa agency upang makarating ka rito bilang TFW, mas lalo kang dapat mag-isip nang maraming beses.
Nasa inyo pa rin ang desisyon kung gusto ninyong ituloy ang application o hindi. Subukan ninyo ang Canada kung gusto ninyo. Minsan kasi, nagsisisi tayo sa mga bagay na pinalampas natin. Kung malakas naman ang iyong loob at sa palagay mo ay magiging successful ka sa Canada kahit na TFW ka lang, punta ka pa rin. Ang sa akin lang, nagsi-share ako ng alam ko kasi maraming nagtatanong tungkol sa TFW program. Pag-isipan po ninyong mabuti. May mga pumupunta rito na nagsisisi dahil hindi sila informed sa dadatnan nila. Ang alam lang nila, $$$$ ang sahod pero hindi nila alam ang deductions. May mga pumupunta naman rito na masaya naman sa narating nila kasi nakapag-apply sila ng residency at eventually, naging citizen ng Canada. Maganda kasi kung sigurado ka sa pupuntahan mo. Maaari kang sumugal pero dapat doon sa mas lamang ang panalo mo kaysa sa talo. smile emoticon
Goodluck!
_________
Please note, TFW lang ito. Iba ang caregiver/nanny program! Masusuwerte ang mga pumapasok na nanny rito. TFW ang pinaka-apektado sa changes ng Immigration.
You can share this post if you want to 🙂
By Racz Kelly – Vancouver Canada