Kwentong OFW

Menu
  • HOME
  • STORIES
  • OFW NEWS
  • WORLD NEWS
  • PHILIPPINES NEWS
  • JOBS
  • TIPS

KwentongOFW - The Place Where OFWs United.

Follow us on Facebook

OFWs Nagrereklamo: Balikbayan Boxes, Matagal na Naantala ng Courier Service

Nagpunta sa National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) upang ireklamo ang isang courier service sa Makati na nabigong maihatid ang kanilang mga balikbayan box sa takdang oras.

Sa ulat ni John Consulta para sa GMA News 24 Oras, sinabing sinamahan ang mga reklamadong OFW ng mga tauhan mula sa Bureau of Customs (BoC) at Department of Migrant Workers (DMW) upang magsampa ng formal na reklamo laban sa nasabing kumpanya.

Ayon sa mga OFW, ilang buwan hanggang higit isang taon nang delayed ang kanilang mga ipinadalang kahon. May ilan pang mas nauna nang nakauwi sa Pilipinas kaysa sa balikbayan box na kanilang ipinadala.

Si “Hans,” isa sa nagreklamo, ay nangangamba na baka expired na ang ilang laman ng kanyang dalawang kahon. Samantala, si “Leah” ay nagsabing siyam na kahon ang ipinadala niya pa noong 2024—ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin.

“Bakit hanggang ngayon wala? Talagang disappointed ang lahat ng OFW,” sabi ni Hans.
“Masakit sir… ang dami noon, tapos until now hindi pa namin makuha,” ayon kay Leah.

Ayon sa BoC, tinatayang 10,000 Pilipino ang apektado dahil sa libo-libong balikbayan boxes na naiwan sa mahigit 100 containers na umano’y pinabayaan ng naturang courier service.

Nakahanda ang BoC at DMW na tulungan ang mga OFW na magsampa ng kaso.

“Gusto nilang mag-file ng large-scale estafa in relation to economic sabotage. Matagal na ang ganitong practice, kaya sa tulong ng NBI, naniniwala kaming mabibigyan ito ng agarang aksiyon,” pahayag ni Deputy BOC Commissioner Michael Fermin.

Nagsumite na ng salaysay ang mga OFW sa NBI, na agad magsisimula ng imbestigasyon.

“Priority natin ito. I-assign natin agad sa isa o dalawang unit para masimulan ang statement taking,” ayon kay NBI Director Lito Magno.

Wala pang opisyal na pahayag ang nasabing courier company.

Panoorin ang video

Share
Tweet
Google+
Prev Article

Related Articles

Repatriated OFWs from Sudan received Php 50,000 in immediate financial …

Repatriated OFWs Received Php 50,000 Financial Assistance

A Filipina woman is on trial after she was accused …

New Born Baby Found Inside A Garbage Bin in Dubai

Mang Roger was anxious after his nephew Den Ingcong in …

Passenger in Seaport Manila a victim of tanim bala modus

Always take extra precaution when inside the airport. Authorities were …

WARNING: Avoid Carrying Bottles and Other Things Handed By Strangers Inside Airports

Erwin Tulfo, secretary of Social Welfare and Development, recently signed …

The Solo Parent Welfare Act Officialy Signed.

In a viral post, a woman can be seen seating …

Money, Jewelry Stolen From The Luggage of An OFW Bound To Davao International Airport

Tags:Balikbayan boxes OFW OFW Abroad OFW NEWS OFW Stories

Share Your Comments

Comments

Leave a Reply

Cancel reply

Follow @Kwentong_OFW
DMCA.com Protection Status

Kwentong OFW

IMPORTANT LINKS

  • SUBMIT YOUR STORY
  • ABOUT US
  • PRIVACY POLICY
  • DISCLAIMER
  • CONTACT US

CATEGORIES

  • balitang OFW (1,508)
  • Exchange Rate (57)
  • kwentong OFW (1,418)
  • OFW JOBS (96)
  • OFW TIPS (268)
  • PINAS NEWS (308)
  • tulang OFW (21)
  • WORLD NEWS (339)

Most Popular -Day

    Most Popular – Week

      Most Popular – Month

        Copyright © 2025 Kwentong OFW
        All Rights Reserved KwentongOFW