Kwentong OFW

Menu
  • HOME
  • STORIES
  • OFW NEWS
  • WORLD NEWS
  • PHILIPPINES NEWS
  • JOBS
  • TIPS

KwentongOFW - The Place Where OFWs United.

Follow us on Facebook

Pinay DH na tumalon sa 5 palapag na gusali sa Saudi, kritikal

Pinay DH na tumalon sa 5 palapag na gusali sa Saudi, kritikal; Ama, humingi ng tulong sa Bombo

KORONADAL CITY – Emosyunal na dumulog sa himpilan ng Bombo Radyo Koronadal ang ama ng isang Pinay Domestic helper na umano’y tumalon sa 5 palapag na gusali sa Riyadh, Saudi Arabia at nasa kritikal na sitwasyon sa ngayon.

Kinilala ang Pinay DH na si Gina Uday Monpon, 28 anyos, mula Brgy. Kematu, Tboli, South Cotabato, may asawa at 3 anak.

Sa salaysay ng kanyang ama na si Federico Monpon, kahapon lamang nila nalaman ang nangyari kay Gina matapos na ipinaalam ng kaibigan nito.
Ayon kay Federico,limang buwan pa lamang na nagtatrabaho sa nasabing bansa si Gina kung saan wala naman umano itong naging problema sa kanyang employer.

Noong nakaraang linggo umano ay naospital ang isa sa kanyang 3 anak at doon na nagsimula ang problema ni Gina at sinasabi sa amang uuwi na lamang ito dahil naaawa sa mga anak.

Base sa impormasyon na kanilang natanggap nakita na lamang si Gina na naglalakad sa 5th floor ng gusali na pinagtatrabahuan nito hanggang sa tumalon ito.

Ngunit sa salaysay ni Gina, wala umano siya sa sarili noon dahil natutulog siya at hindi alam ang ginagawa.

Tinangka pa sana siyang sagipin ngunit hindi na naagapan ng mga pinoy na nakakita sa kanya.

Nagtamo naman ng bali sa paa at spinal cord si Gina na agad na dinala sa isang ospital sa nabanggit na bansa.

Sa ngayon ay hindi pa isinailalim sa operasyon si Gina dahil ayaw umano akuin ng employer nito ang gastos.

Kaya’t umiiyak na nanawagan sa Bombo Radyo ang kanyang ama na tulungan ito.

Share
Tweet
Google+
Prev Article
Next Article

Related Articles

Presidential Aspirant Rodrigo Duterte gains the support of OFWs from …

Duterte Gains 600,000 More Supporters! Their Locations Will Amaze You

JEDDAH Saudi Arabia — A Filipina domestic helper  was send …

Pinay DH in Jeddah send home after she was caught in room with Pinoy boyfriend

On Tuesday, His Highness President Shaikh Khalifa Bin Zayed Al …

Abu Dhabi President Approves Law on Domestic Helpers, Protects Both Employer and Worker’s Interests

A teenage student is one of the recent victims of …

A teenage student is one of the recent victims of the alleged tanim bala or bullet planting scam at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

In a shocking video, a domestic helper in Bahrain can …

LOOK: Domestic Worker Placed Inside Trunk of a Moving Car

Dubai will announce a new set of rules when it …

Dubai Airport Implements Stricter Baggage Rules

Tags:Gina Uday Monpon OFW in Saudi Saudi OFW Saudi OFW Needs Help

Share Your Comments

Comments

Leave a Reply

Cancel reply

Follow @Kwentong_OFW
DMCA.com Protection Status

Kwentong OFW

IMPORTANT LINKS

  • SUBMIT YOUR STORY
  • ABOUT US
  • PRIVACY POLICY
  • DISCLAIMER
  • CONTACT US

CATEGORIES

  • balitang OFW (1,516)
  • Exchange Rate (57)
  • kwentong OFW (1,426)
  • OFW JOBS (97)
  • OFW TIPS (270)
  • PINAS NEWS (312)
  • tulang OFW (21)
  • WORLD NEWS (347)

Most Popular -Day

  • OFWs Nagrereklamo: Balikbayan Boxes, Matagal na Naantala ng Courier Service
  • Pagpupugay sa Buwan ng mga Overseas Filipinos: Puso, Sakripisyo, at Pag-asa ng Sambayanang Pilipino
  • Isang OFW, Hindi Pinapapasok sa OFW Lounge sa NAIA Terminal 1: Ano ang Nangyari?
  • Kararating na OFW mula Jeddah, Inaresto sa NAIA dahil sa Kasong VAWC

Most Popular – Week

Most Popular – Month

Copyright © 2026 Kwentong OFW
All Rights Reserved KwentongOFW