Kwentong OFW

Menu
  • HOME
  • STORIES
  • OFW NEWS
  • WORLD NEWS
  • PHILIPPINES NEWS
  • JOBS
  • TIPS

KwentongOFW - The Place Where OFWs United.

Follow us on Facebook

Mga Pinay sa Saudi Arabia, Ninakawan na Ginahasa Pa ng mga Hindi Nakikilalang Kalalakihan

Spread the love
     

Tatlong Overseas Filipino Workers (OFW) sa Saudi Arabia ang sinasabing pinagnakawan at pinagsamantalahan ng mga lalaking hindi nila kilala noong gabi ng Miyerkules.

Ayon sa salaysay ng isa sa mga biktima, ang mga lalaki umano ay nagpakilalang mga pulis na pumasok sa kanilang tinitirhang bahay, itinali ang kanilang kamay pagkatapos ay hinalughog ang kanilang tinitirhang bahay. Ninakawan sila ng mga ito at saka hinalay ang isa nilang kasama.

Ayon kay Ana (hindi tuna na pangalan ng isa sa mga biktima), ang pangyayari ay naganap bandang alas-10 ng gabi nito lamang Miyerkules. Ang mga suspect ay kumatok sa kanilang pinto.

Inisip ng mga biktima na kasamahan nila sa bahay na umalis ang kumatok kung kaya binuksan ng mga ito ang pinto. Ngunit ng buksan nila ang pinto, nakita na lamang nila ang mga lalaki na may face-mask at hawak ang ID at baril.

Sinabi ng mga suspect na sila ay mga pulis at pumasok kaagad sa bahay ng mga biktima. Tinalian pa umano ng mga ito ang tatlong Pilipino. Itinago din daw sila sa isang kwarto habang hinahalughog ang buong bahay,

“Lahat ng kwarto hinalungkat po, hindi po namin alam na lahat po ng pera namin saka alahas kinuha nila,” sabi ni Ana.

Ang masakit pa sa pangyayari ay hinalay siya ng mga lalaki.

“Tapos, pinalabas nya po ako sa kwarto at dinala po nya ako sa isang kwarto, ginalaw nya na po ako. Sabi ko nga po sa kanya ‘wag po sir maawa po kayo’ sabi ko sa kanya … umiyak na lang po ako sa sakit po ng ginawa nya sa akin, sobrang sakit po talaga hindi po sya naawa. Umiyak na lang po ako,” salaysay ng OFW.

Samantala, pinayuhan ng Kaagapay Advocate Group and mga biktima na makipag-ugnayan sa kapulisan upang sila ay matulungan.

Ayon naman sa panayam kay Consul General Edgar Badajos ng Philippine Consulate sa Jeddah, tama daw ang ginawa ng mga Pilipino na tumawag ng pulis upang agad matulongan sa naganap na krimen. Hindi agad nakapunta ang mga tauhan ng Philippine Embassy sa pinangyarihan ng krimen dahil napakalayo nila sa Jeddah.

“Kapag may nangyari, ang dapat na unang gawin ay tumawag sa pulis dahil sila ang first responder dahil kung kayo ay tumawag dito sa atin sa konsulado sa POLO, nasa Jeddah kami so yung hinihingi na instant na reaction ay hindi natin magagawa,” sabi ni Badajos.

Sabi naman ni Badajos sa mga Pilipino sa Saudi Arabia na huwag magbubukas ng pinto sa mga taong hindi kakilala lalo na sa disoras ng gabi.

Source GMA 


Spread the love
     
 
      
Share
Tweet
Google+
Prev Article
Next Article

Related Articles

Spread the love     The Philippine Overseas Employment Administration yesterday reiterated its …

Beware: Recruiting for health workers, hospital staff in the United States or Canada

Spread the love1.8K    1.8KSharesAn OFW working in Oman seeks for help …

Pinay OFW Seeks Help after Being Jailed in Oman for Allegedly Stealing from Employer

Spread the love     Hong Kong has recently implemented a travel ban …

Hong Kong Classifies PHL as “Extremely High Risk”, Implements Travel Ban

Spread the love484    484Shares   In 2017, money remittances for Overseas …

Good News! OFW dollar remittances eyed to increase this 2017

Spread the love     An Overseas Filipino Worker (OFW) was seen with …

OFW “Black and Blue” Caused By Bad-Treating Employer

Spread the love     Contract Renewal For Foreign Domestic Helpers In Hong …

Hong Kong DH Urged to Make Appointments for Contract Renewal

Tags:ADVISORY Advsory News OFW OFW in Saudi OFW NEWS Paalala

Share Your Comments

Comments

Leave a Reply

Cancel reply

Follow @Kwentong_OFW
DMCA.com Protection Status

Kwentong OFW

IMPORTANT LINKS

  • SUBMIT YOUR STORY
  • ABOUT US
  • PRIVACY POLICY
  • DISCLAIMER
  • CONTACT US

CATEGORIES

  • balitang OFW (1,507)
  • Exchange Rate (57)
  • kwentong OFW (1,417)
  • OFW JOBS (96)
  • OFW TIPS (268)
  • PINAS NEWS (308)
  • tulang OFW (21)
  • WORLD NEWS (338)

Most Popular -Day

    Most Popular – Week

    • Police Raid Prost!tution Dens Managed By Asian.
    • Hong Kong Minimum Wage for FDHs Goes Up to $4,990 Per Month.

    Most Popular – Month

    • Police Raid Prost!tution Dens Managed By Asian.
    • Hong Kong Minimum Wage for FDHs Goes Up to $4,990 Per Month.
    Copyright © 2025 Kwentong OFW
    All Rights Reserved KwentongOFW